<description><![CDATA[May bagong digital camera ang aking kapatid na si Jojo.  Binili niya noong huling bumiyahe siya sa U.S. noong May 2006.
 Sabado, May 27, ay nagkuhanan kami ng litrato sa bakuran ng kanyang bahay, sa labas ng simbahan, sa loob ng aking apartment, at sa coastal road patungong paliparan.
 Nitong mga nakaraang araw, dumarami ang nagsasabi na magkamukha raw kami.
 Naisip kong i-upload ang isa sa mga larawang nabanggit.  Baka sakaling magbago ng paniniwala ang mga nagsasabi na magkamukha kami kung mabibigyan ng sapat na pagkakataon na matitigan at mapag-aralang mabuti ang larawang ito.]]></description>
<description><![CDATA[19 March 2006.  Linggo ng hapon.
      Dumalo kami ni Pol at iba pang bisita sa pinagsabay na pagdiriwang ng kaarawan nina Moses at Prince, mga anak nina Charles at Lydia.  Sa Misko Beach (Pwohmaria Resort) idinaos ang selebrasyon.
      Ang punongkahoy na nasa larawan ay kuha sa araw at lugar na nabanggit.  Ayon sa kwento ng isa sa mga panauhin, dati raw ang puno ay nasa bahagi ng lupa na inaaabot lamang ng alon mula sa dagat kapag tumataas ang lebel ng tubig (high tide).  Sa pagdaraan ng panahon ay unti-unting naaanod ng tubig sa dagat ang buhangin at lupang kinatatayuan ng puno, anupa't ito ngayon ay nagmistulang nasa bahaging tubig na nakatayo.
  Gaano kataas o gaano karami ang lupang naanod sa dagat?
  Napakarami na, kung ang pagbabatayan ay ang taas ng naka-expose na mga ugat ng puno na dapat ay nakalubog sa lupa, gaya ng makikita sa malapit na kuhang larawang ito kung saan maikukumpara ang sukat ng mga ugat sa nakaupong tao.  [CLICK HERE]. 
     Maganda ang Pohnpei.  Mayaman sa ganda ng kalikasan.  Kaya di kataka-taka na may mga kababayan tayong Pinoy na sa tagal na ng paninirahan at paghahanapbuhay sa isla ay tila dito na rin inuugatan.
   Pero hindi ang utol kong si Jojo ang aking tinutukoy.]]></description>
<description><![CDATA[Ikatlong linggo ng Enero 2006.
    Kababalik pa lamang mula sa halos isang buwang bakasyon sa Pilipinas ang kapatid kong si Jojo na mayroon na ring labimpitong-taong nakatira at nagtatrabaho sa Pohnpei, Federated States of Micronesia.  Niyakag niya ako na mag-jogging (well...ang totoo, walking) sa Causeway, ang kalsadang patungo sa Pohnpei airport.
    Sa larawang ito, na kuha sa pamamagitan ng kamera sa cellular phone ni Jojo, ay nakaupo ako sa lilim ng isang punungkahoy sa gilid ng kalsada na nasa gawing kanan naman ay ang dalampasigan.  Marahil sa kahahampas ng alon, lalo na tuwing panahon ng high tide ay naubos na ang lupa't batuhan hanggang sa umusli ang mga ugat ng naturang puno, na makikitang malayo na ang nagapang sa gilid ng daan.
    Ito ang aking unang pagwo-walking exercise sa isla kasama ni Jojo, at ito rin ang isa sa mga unang larawan ko sa Pohnpei.]]></description>
<description><![CDATA[13 January 2006.  Biyernes ng tanghali.  Lumapag sa paliparan ng Pohnpei ang eroplanong naghatid sa akin sa lugar na magsisilbing pangalawa kong tirahan at pook na pagtatrabahuhan.
     Si Charles, chair ng Business Administration Division ng College of Micronesia-FSM, ang sumalubong sa akin.
     Pagkaraan ng isang masarap na pananghalian sa Joy Hotel and Restaurant kasama isa pang kamagguro, tumuloy kaming tatlo sa kolehiyo at doon ay agad akong ipinakilala ni Charles sa mga miyembro ng faculty ng dibisyon.
     Ang araw na iyon ang siyang unang araw ng pagbubukas ng klase para sa Spring semester at, samakatuwid, ay unang araw din dapat ng aking pagtuturo.  Minabuti ni Charles na ibigay na muna sa akin ang listahan at iskedyul ng mga kursong aking ituturo at pangalan ng mga estudyanteng nakapagpatala rito.  Binigyan niya ako ng sariling opisina, computer at printer, mga aklat at manual na gagamitin, sipi ng syllabus na maaari kong tularan sa aking pag-uumpisa, at mga susi sa pinto ng iba't ibang silid na kakailanganin kong pasukin kaugnay sa pagiging instruktor.  Pagkaraan ay inihabilin niya ako kay Pol, na Pilipino at instruktor ding kagaya ko, upang ihatid ako sa C-Star Apartelle kung saan ako pansamantalang maninirahan hanggang sa makatagpo ako ng ibang lugar na malilipatan.
    Walang pasok tuwing Sabado at Linggo.  Gayon man ay muli kaming nagtungo ni Charles sa COM-FSM kinabukasan para sa karagdagang kagamitan, orientasyon at paghahanda.  Ipinasyal ako ni Charles sa campus, partikular sa mga silid kung saan nakatakda akong magdaos ng aking mga klase.  Nananghalian din kami sa cafeteria ng paaralan.
    Lunes, 16 January 2006.  Ganap na ika-11:00 ng umaga.  Sinimulan ko ang pagtuturo sa aking unang klase - Accounting 1.
<description><![CDATA[12 January 2006.  Gabi.
 Inihatid ako ng aking pamilya at iba pang mahal sa buhay sa pandaigdigang paliparan ng NINOY.  Dumaan muna kami sa Greenbelt, Makati at nagsalu-salo sa isang hapunan sa Jollibee.
 Matagal-tagal pa bago kami muling magkakasama-sama, kaya pagkaraan ng kainan ay nagpakuha muna kami ng family picture sa isang studio na malapit roon.
 Ito ang isa sa mga larawan mula sa nabasabing pagpapakuha.]]></description>
<description><![CDATA[Ang larawang ito ay kuha ng aking 12-year-old daughter na si Mary Joyce sa terasa ng aming bahay noong 18 December 2005.  Kinailangan kong magpakuha ng bagong larawan para sa pagpapa-renew ng aking passport.
   Sa ikalawang pagkakataon ay muli akong nagpasya na lisanin ang Pilipinas upang makipagsapalaran sa ibang bansa.
   Dalawampu't limang araw pagkaraang makunan ako ng litratro ni Joyz, umalis ako sa bansa sakay ng Continental Airlines Flight No. CO-934.
   Sa pamamagitan ng internet ay nag-apply ako, at pinalad namang natanggap, bilang Instructor sa College of Micronesia-FSM.]]></description>