Yahoo! 360° News | Beta Feedback
Start your own Yahoo! 360° page

NansKii Boi würLd 3rd slice

Top Page  |  Blog  |  Friends  |  Lists  |  Groups

  • School: Lyceum Of The Philippines

Add

NansKii Boi würLd 3rd slice is not connected to you in Yahoo! 360°.

Last updated Fri Apr 13, 2007 Member since August 2005

Ang Makulay Na Buhay Ni Nanskii!!! at ako yun

1 - 5 of 51 First | < Prev | Next > | Last

Ang Makulay At Masayang Mundo Ni Nanskii Full Post View | List View

NansKii Boi würLd 3rd Slice (JusT taKe a Bite,it'S aLright)

coming soon
eto ang pinakaiintay....
Wednesday July 25, 2007 - 01:25am (CST) Permanent Link | 2 Comments
season finale: ang ikatlong pagwawakas

ayun nga sa kasabihan,ang lahat daw ng bagay na may simula ay may patutunguhang ending.at sa kwento ng buhay ko,isang chapter na naman ang mamamaalam.

ang season 3 na siguro ng nanskii boi world ang pinakamasalimuot sa lahat ng seasons na nagdaan.rollercoaster ang mga pangyayari na minsan nga eh parang ako mismo nagtataka na kase parang scripted na sya.

natatandaan ko pa nung nagsimula ang season 3.paunang entry pa lang eh parang nagpaparamdam na sa hindi magandang tatahakin ng kabanata.andyan ung umalis ako sa dating blogsite ko kung saan unang nasubaybayan ang buhay ko at minahal ng mga fanskiis.hindi na talaga naayos ung mga issues(naks! issues kung issues) sa pagitan namin ng g-blogs at nitong huli lang ay nalaman ko na wala na pala ung iniwan kong account dun.marahil binura na nila o kung hndi man..baka sinunog.

sinundan ng pagkawalan ko ng trabaho na tanging pinagkukunan ko ng income.ang pinakamasakit,after nun eh hndi na ako nakakuha ng trabaho na kahit papano nagdulot sakin ng depression and sleepless nights.

nangarap akong magsimula ng panibagong tatahakin sa buhay gaya ng pagbi-business pero lumipas na ang mga buwan eh pangarap pa din sya na nangangapa sa katuparan.

wala lang,naisip ko lang kase na mula sa pagiging 1day thousanaire(tnx to ms. kris aquino and gameknb),bumagsak ako sa pagiging palamunin na ni bagong t-shirt na magfifit sa lumalaki kong katawan,hindi ako makabili.

tumaba ako ng sobra at nagsimula ng makaramdam ng sakit at sama ng loob sa mga commercials gaya ng xenical,fit n’ right juice drink,at sauna belt.kung dati si budoy ang kamuka ko,ngayun si bentong na.

ang paglisan na isang echusera ngunit minahal na kaibigan na nagngangalang greta.na kulang na lang eh ipalagay ko sa classified ads ng mga nangungunang tabloid na hndi na sya konektado sakin(parang empleyado lang na tumarantado sa employer noh?).gayun din ang isang minahal na “fanskii”/kaibigan na ayoko na lang bangitin ang pangalan(pero kung pipilitin nyo akong sabihin eh baka bumigay ako at kumanta).nakakahinayang yung mga pagkakaibigan na binuo namin,nauwi lang sa wala..sa panahong ako’y walang wala din.badtrip noh?

hindi nagpaawat ang gulo sa ikatlong yugto ng buhay ko.nanakawan kami sa sariling pamamahay at ilang buwan ding namuhay sa pangamba at takot lalu na para sa mga kapatid ko.kahit mga daga naki-uso sa trend at pati mga sabon naming na tig-o-ocho pesos lang ay walang awang niratrat.

umulan ng teflon na kawali,sampalan,bubog,ngaratan,shrapnels,bolang apoy,laway,locust at mga luha ng sugatang lesbyana at ng misteryosang bday girl na si ederlyn.

hindi maikakailang ito nga ang pinakamadilim na kabanata ng buhay ko.at ngayung araw na ito,ang kabanatang ito ay tutuldukan na.

maraming salamat sa lahat ng sumama sa season 3 ng nanskii boi würld.

at maraming salamat sa pagmamahal na binigay nyo sa akin.

hanggang sa muli…

nalulungkot ka ba sa pagtatapos ng nanskii boi wurld season 3?wag ka na malongkot.try this! download makulay ang buhay sa sinabawang gulay.ang pinakapaboritong dance craze ni nanskii ngayun.

Sunday July 8, 2007 - 02:21am (CST) Permanent Link | 5 Comments
a tribute for julia
a tribute for julia magnify

"Life here doesn't resemble at all my life back home. But in some ways it is becoming a life all it's own. Soon I will be independent, living in my own hut"

-Julia Campbell (Life Or Something Like It)

ang entry na ito ay buong puso kong inaalay sa isang taong may napakabusilak na puso at isang kapatid sa larangan ng pinoy blogging.maraming salamat julia sa lahat ng pagtulong at pag-aaruga na pinaramdam mo sa mga kababayan kong pilipino.hindi ka namin makakalimutan.


Tags: juliacampbell, tribute, huhuhu
Monday April 23, 2007 - 11:13pm (CST) Permanent Link | 0 Comments
short cuts: the number 26
tangina… bente sais na pala ako

napakaemosyonal na opening di ba?

walang pasintabi sa mga kumakain.walang paliguyligoy.obvious na hindi ako naaaliw sa pagpapalit ng idad ko.syet! pagtumuntong ka na talaga ng edad 21 pataas,iwiwish mo na sana pabalik na lang ang bilang ng bday.

ako ngayun ay 26 na.sa totoo lang,napapangitan ako sa numerong yan.dahil walang kadating dating.para syang marker from happy-go-lucky adult stage to awkward stage sa pagpasok sa pagiging matinee idol.matinee as ing matanda na.bihira akong makarinig ng idad na 26.wala halos akong kilala na may bertdey na pumapatak sa 26th day ng buwan.sa kalendaryo,walang ukasyon na pumapatak sa ganitong date.at higit sa lahat,bihira ang taong magsasabi na 26 ang lucky number nya.

sa ginawa kong munting pagsusuri,hindi ko talaga nabigyan na kahit kaunting kahalagahan o value ang number 26.

20unang age na nagsisimula sa number 2.kiniclaim na “twenteen” para dun sa mga ayaw pang gumraduate sa teen stage.

21 – debut ng mga lalake.ang hudyat sa pagpasok sa happy-go-luck-sex-all-you-want stage.

22wala akong maisip na kahulugan sa number pero maganda syang pakinggan. “how young are you?” “22”

23 – ang number na kakabit ni michael jordan at ng resistensya builders nina susie and geno(sustagen)

24syempre noche buena at 24 din ang oras ng buong araw

25 – pasko o di kaya silver anniversary

26wala lang.pampuno sa mga bilang.numero ng dobleng kamalasan (13x2=26)

sabagay,kahit anu pang paghihimagsik ang gawin ko,hindi naman talaga mapipigilan ang pagtanda.lahat naman tayo dumaan/dadaan sa pagsipsip ng teta,sa pag-ihi sa banig(kung may gumagamit pa nun),ang matae sa classroom nung elementary,pestehin ng kuto,ang matule(boys) at reglahin(girls),ang tubuan ng mga bulibaks,tutsang,burnek at asoge,at ang bahagyang paglaki ng mga ari(anu ba yun?!)

lahat tayo ay tatanda at lilipas din.una unahan nga lang.ang mahalaga ay ang pag-eenjoy sa kung anuman ang tinatamasa natin ngayun.mapa-teenybopper ka man o matinee idol.ienjoy lang natin ang buhay natin.afterall,sa lahat naman ng pamomroblema sa pagtanda isa lang naman talaga ang mahalaga…

hindi tumatanda ang puso.

yan ang mga banat.


Tags: shortcuts
Thursday April 12, 2007 - 11:48pm (CST) Permanent Link | 1 Comment
buhay nanskii: party+putahe=plashbak
buhay nanskii: party+putahe=plashbak magnify

ilang tulog na lang at sasapit na naman ang pinakamahalagang araw sa buhay ko.anu pa nga ba kundi ang aking birthday?ang totoo nga nyan eh mejo nalulungkot ako kase kumpara sa mga nakaraan kong kaarawan,etong bday ko ngayon cguro ang pinakapayak sa lahat dahil na din sa kakapusan ng pera at social life.ibig sabihin,walang bertdeyan na nag-uumapaw sa chibog this year at ung motiff ko sana ngayung taon na “water-free tropical summer party” eh baka sa panaginip ko na lang ienjoy.

lumaki akong nakagisnan ang pagpapahalaga sa birthday.natatandaan ko pa nga nung bata pa ako,parusang kamatayan ang naghihintay para sa mga magulang ko kung hndi nila pagka-abalahan ang mahalagang araw naming magkakapatid..at yun na nga ang bertdey namin.

masaya ang mga parties ko nun.parang fiesta opisyal,dahil kadalasan panahon na ng bakasyon sa skwela sya natatapat.may mga times din minsan na holyweek natatapat(byernes santo pa nga),pero nevertheless nakukuha pa din naming magparty isumpa man kami ng katolisismo o tamaan pa ng kidlat

sagana sa pagkain na pinangungunahan syempre ng pambansang centerpiece ng mga bertdeyan…ang hotdog na nasa stick with matching marshmallow at pinyang chunk.nakatusok silang lahat sa kalahating repolyo bilang “stand”.pede din itusok sa kalahating pakwan,melon,kingsize na upo o patola ung mga hotdog sticks,kumporme na yan sa imahinasyon at diskarte ng nanay nyo.

di mawawala ang mapanlinlang na spaghetti na nilahukan ng karampot na giniling na baboy at niluto sa ilang bote o di kaya gallon ng UFC banana ketchup imbis na sa spaghetti/tomato sauce.inihahain sya na may kasamang “double purpose sandwich” na hugis tatsulok na kadalasan manipis na mayoneys lang ang palaman.double purpose dahil bukod sa nakakain sya pede din syang pamunas ng mga muyas sa labi lalu na kung babuy ka kumain ng spaghetti.

kahalili ng spaghetti ang pansit bihon na niluto sa sama ng loob.usually, nilunod lang sa toyo ang itsura nito at mabilis mapanis kesehodang wala syang sahog.maalat lang ang lasa at madulas sa dila.mas masarap iluwa kesa lunukin at batid mong kung sino mang animal ang nagluto nun,malamang napilitan lang at pinwersa magluto dahil busy na ang nanay sa paghahanda ng ibang putahe.

nasa listahan din ng handa ang lumpiang shanghai na mas malaki pa ung filling ng pan de regla na nabibili sa bakery.sa ibang kultura,pritong lumpia wrapper ang tawag dito(at un ay ang kultura ng mga mapanglait,mapang-imbot at insecure).bida din ang fried chicken dun sa may mga budget.kadalasang inihahain ng malamig na.o di kaya pag nag-uwian na ung karamihan sa mga batang bisita.

eto ang isa sa pinakamalaking misteryo ng kabataan ko na hanggang ngayun ay wala pa din akong nahahanap na kasagutan.tumanda na ko’t lahat ng ganito,hanggang ngayun hindi ko pa din alam kung bakit pineapple juice ang official na inumin sa mga bertdeyan.hindi ko alam kung may inamyendahan bang batas para dito at tanging ito lamang ang pedeng inumin pag may party.hindi kase pumalya ang nanay ko sa pagpapainom ng pineapple juice sa mga nagdaan naming parties.

natatandaan ko pa ang nanay ko pag gumagawa sya ng juice para sa mga batang makikikain.dun pa lang eh batid ko na kung kanino talaga ako nagmana pagdating sa kabobohan sa mathematics.nakakapraning ang ratio nya sa pagtitimpla.isang malaking lata ng delmonte pineapple ihahalo sa kalahating drum ng tubig.dinadaan na lang sa food coloring na dilaw at asukal na maskubado at syempre magandang presentation at mabisang pambebrainwash sa mga bisita na “pineapple juice” iyon.walang kokontra.inumin nyo na lang.

syempre mawawala ba ang cream of the crop…ang cake.

parang gorilla sa zoo kung ituring ang mga cakes pag may bertdeyan,lahat ng mga batang inimbita mo sa party,magpapakuha ng picture sa harap ng cake na kunyari sila ang may bday.bukod sa sisindihan ulit ung kandilang hinipan mo na,pakikiusapan pa kayo na kumanta din ng “hapi bertdey”.at syempre,ang lahat ng yan ay pakana ng mga nanay nila.

chocolate lang ang mabentang flavor ng cake sa mga bata.yan lang at wala ng hihirit pa.ang paghahain ng cake na hindi tsokolate(gaya ng vanilla at UBE) ay kaparis lang ng paghahain ng isang malaking tipak ng tae sa lamesa na tyak walang papansin at malamang laitin pa.gayunpaman, hindi ko inaalis ang posibilidad na maubos ung mga icing na bulaklak na nasa toothpick.wala kaseng nakakatanggi sa mga bulaklak na un.sadya itong nakakarahuyo lalu na ung pinakamalaki na kadalasan kulay white ata o dilaw(basta ung pinakamalaki).napakatamis nya kase di gaya nung mga mas maliliit na bulaklak na may pait na aftertaste(naks! after taste kung after taste).pag may nangyaring iyakan at warlahan sa pagitan ng mga bata sa kasagsagan ng piging.ang mga icing na bulaklak lang ang dapat sisisihin at wala ng iba pa.

kung setup naman ang pag-uusapan,kumpleto sa mga chairs na rattan(dahil di pa uso ang monoblocks nun) and lamesitas tapos may mga parlor games pa gaya ng P.P.P. – paagaw,pabitin at palayok(yes! bago yun).at gaya ng misteryo ng pineaaple juice,hindi ko din alam kung bakit parlor games ang tawag sa mga yun.wala namang mga event gaya ng pabilisang magkudkod ng mga nagkakapalang cuticles,pagandahan sa pagkukulot at pagtitina ng buhok,pabonggahan sa pag-aapply ng blush on at eyeshadow…basta parlor games ang tawag sa kanya.ang saya sobra.

ang totoo nyan,sa lahat ng mga masasayang parties na yan nung bata pa ako,isa lang naman ang pangarap ko na hindi talaga natupad.at yun ay ang maimbitahan ang “boyoyong clowns"(eto ay nung mga panahong ala pa akong phobia sa mga payaso ha).astig kase ang party mo nun kung may mga panauhing pandangal ka gaya ng mga magicians at clowns.sikat na sikat pa naman ang boyoyong clowns nuon.lagi naming silang napapanuod sa show nina aiza seguerra,Kathleen go quieng,rr herrera at l.a. lopez(“eh kasi bata”).sobrang mahal lang siguro talaga ng talent fee nila kaya di kinaya ng mga magulang ko.

kung susumahin,masaya ang naging kabataan ko kung kaarawan ang pag-uusapan.kaya nga di ko naiwasang dalhin yun hanggang sa pagtanda ko.taun taon meron akong party,maliit man o mas malaki lang ng onte.may dumadating man o napapanisan ng handa.para kase sakin,mahalagang pahalagahan natin ang araw na pinanganak tayo sa mundo.dahil yun ang first page ng napakakulay na kwento ng buhay natin na patuloy nating sinusulat mula nuon hanggang ngayun.

happy birthday to me.

Tags: buhaynanskii
Tuesday April 10, 2007 - 12:32am (CST) Permanent Link | 3 Comments

Add Ang Makulay At Masayang Mundo Ni Nanskii to your personalized My Yahoo! page:

Add to My Yahoo!RSS About My Yahoo! & RSS
1 - 5 of 51 First | < Prev | Next > | Last