Happy Valentines Day to all of you guys
A successful marriage requires falling in love many times,always with the same person.
my husband and I had a breakfast in Jolibee Makro, tumakas kami sa mga bata dahil ilang gabi na kaming walang evening talk, pagkatapos ko mag tutor sa gabi at pagpasok ng kwarto nakahimlay na ang aking asawa at naghihilik pa, di na ako naiintay. I comfronted him at sinabi kong ilang araw na nya akong tinutulugan, pero sabi nya pagod na pagod daw sya at antok na. Parang naalala ko tuloy yung isang couple na member namin sa church ang pinagmulan ng separation nila ay nagsimaula lang sa simpleng di pagpapa pansinan at di pag-uusap hanggang sa lumaki na ng lumaki at nagsumbatan na at lately lumapit na sila sa pari upang mag paalam na maghihiwalay na sila. Naisip ko lang, hindi kaya mangyari din sakin to? pag gising ko kasi umaga magluluto na ako ng breakfast ng mga ank ko, mag pe prepare na baon nila, at pag alis nila mag aaral naman ako ng aking leksyon at papasok na rin at pagdating ko naman ng bahay nakaharap naman sya sa laptop nya at ako namay magtuturo pa ng assignment ng mga anak ko. Lately napansin ko, abay di na yata kami nakakapag heart to heart talk, parang sobrang busy na kami pareho... so i decided to invite him for a breakfast meeting..I just thought na sabihin na sa kanya ang niloloob ko habang maaga, to some parang it doesnt matter to talk with their spouse, but for me i think we should both find time to talk even a simple talk na non sense naman. Sabi nya im getting sentimental, ang layo na daw nag tinatakbo ng isip ko.. ewan ko ba? sa parokya kasi lahat ng uri ng buhay ng tao ma oobserve mo,( kilala ko nga kahit yung mga nabuntis na estudyante pa lang, hehehe..) Hayyy.. til here na lang muna, later we decided na mamasyal sa Mall of Asia, habang nag lalaro ang mga bata sa arcade eh magka kape na lang kami sa starbucks for another bout of talks, ano naman kayang topic? Palagay ko puro CBA sa PLDT na naman ikukuwento nun, ay naku may sense yun sa kanya eh, i have to a accept di ba?
Isang estudyante ko mula sa ika-limang baitang ang minsang nagtanong sa akin kung ano ang gusto ko sa aking paglaki, sinabi kong nais ko sanang maging isang manunulat sa dyaryo.Bata pa lamang ako mahilig na akong magbigay ng kuro-kuro sa akung anong interesting na bagay na nakikita ko, ito man ay tao o bagay na nakikita ng isang batang kagaya ko noon sa kanyang kapaligiran. Natatandaan ko pa na humingi ako ng isang intermediete pad sa mayaman kong kaeskwela upang makapagsulat na lang kesa makipag kwentuhan habang walang guro, ang unang isinulat ko ay tungkol sa manikang papel na paboritong laruan ng aking mga kaeskwela. Habang recess namin ay kinukuha ko ang aklat ng aking guro at binabasa ko ito, pa nerdy ika nga.. at kapag nahuli ako ng guro inuutusan nya akong ibalik ito agad sa kanyang mesa.Ni sa hinagap di ko naiisip na magiging guro din ako pagdating ng panahon.
Ngayon may Multiply na at yahoo 360 kunsaan pwede kang magpahayag ng iyong kuro-kuro o pananaw thru blogs. Matagal na panahon na yun at ang pangarap na yon ay di naman natupad, ang tanging naiisusulat ko na lang ay isang page sa aking lesson plan. Salamat sa isang batang nagpaalala sa akin ng aking munting pangarap
Its Monday Holiday, no classes..
My family spent it at the Island Cove in Kawit Cavite, naglaro sila ng baseball dalawa lang ang kampihan, Daddy and Mig, Chin and Pat.. Nakakatuwang panoorin ang mag-aama ko dayaan kasi sila ng dayaan ( hehehe ) at ako ang kanilang referee. As usual talo sila Daddy at Mig mas sanay kasi maglaro ng baseball ang girl at bunso ko. Kahit ako ang referee wala naman aakong malay sa larong ito, ang alam ko lang ay maglaro ng goma (rubber band) at mag chinese garter. hehe.. Pero ang mga anak ko grabe mga sports nila, they played American football, soccer at ngayon sa baseball naman sila nawiwili. Kaya lang magastos din ang larong ito mahal kasi ang baseball bat at bola nito, galit na galit nga ako nung nawala ang baseball bat na unang binili ko sukat ba namang maiwanan, ayun nawala at wala ng umamin kung sinong kumuha. Pinag interesan siguro maigi kasi yung pamalo kapag may rambulan.
After the first game nag breakfast na kami, tapsilog (tapa sinangag at itlog) sa two boys ko at itlog lang ky chin at bunso, mabuti naman at ng makatipid-tipid hahaha. Tapos next game na naman, Nakakatuwang pwede na palang maglaro sa isang game ang mag-aama ko. Dati kasi pinapanood lang namin sila, si Chin sa kanyang swimming competition at si Miggy sa kanyang yoyo competition, by the way kapag nag champion nga pala ang anak ko sa next competition nya he will be the next representative ng Philippines sa Yoyo competition sa China, hopefully makalusot.
to top it all, it was a wonderful day for us, magastos pag bakasyon, pero worthy naman because you see your kids enjoy their free day with their busy parents.
Ngayon ko lang na realize na okay lang pala mag comment sa mga blogs na binabasa ko. Nakakahiya mang aminin, kuntento na lamang akong magbasa ng inyong mga blog, at obserbahan ang inyong mga opinyon at kuro-kuro sa buhay-buhay. Sinubukan kong mag komento sa blog ng isang kaibigan at natuwa ako sa naisulat ko, first time ko yata eto at naengganyo akong gawin it sa mga susunod pang araw. Nakakatuwang isipin na may lakas na ako ng loob.